Aprubado na ng Ilocos Region Project Advisory Board ang nasa 1.056 billion pesos na pondo para sa subprojects sa Region 1 sa ilalim ng i-Build component ng Philippine Rural Development Project.
Ilalaan ang naturang pondo sa nakalinyang limang subprojects ng PRDP kung saan kasama rito ang dalawang subprojects sa Bayambang sa Pangasinan na Farm-to-Market Road at Cold Storage Facility.
Kasama rin sa naturang pondo ang pagsasagawa sa Tagudin Slaughter House sa Tagudin Ilocos Sur, Ubbog Bridge sa Paoay Ilocos Norte, at rehabilitasyon ng Ramot-Puguil Farm-to-Market Road sa Santol, La Union.
Ang mga naturang proyekto umano ng PRDP ay inaasahang makapagpapabuti pa ng food supply chain at magpupuna sa kakulangan sa commodity value chain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments