Bimby, isinugod sa hospital!

Isinugod sa ospital ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby matapos itong maaksidente sa swimming pool kahapon, January 23.

Sa kuwento ni Kris sa kanyang instagram account, paahon mula sa pool si Bimby nang madulas ito at tumama ang right elbow at pelvic area sa sahig. Kaagad naman naisugod sa Medical City ang anak at matapos ang full x-ray ay lumabas na wala itong fracture.

Sa tingin ni Kris nakatulong ang pagpapainom niya kay Bimby ng gatas para tumibay ang mga buto nito. Kaya ipinayo niya rin ito sa ibang mga magulang at inirekomenda na kumuha ng health insurance para sa kanilang mga anak. Ipinost rin ni Kris ang larawan nila ni Bimby na kuha sa loob ng hospital room kasama ang mga doktor at nurse na tumingin sa anak.


Facebook Comments