Base sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), naitala ang tig-dalawang kaso sa Lal-lo at Sta. Ana; isa sa Solana; at isa sa lungsod ng Tuguegarao na batay sa report ay re-exposed o indibidwal na muling tinamaan ng Covid-19.
Samantalang anim ang gumaling sa virus dahilan para manatili sa 67 ang kabuuang aktibong kaso ng Covid-19 sa buong lalawigan.
Ang apat na nagpositibo kahapon, July 10, 2022 ay local transmission habang ang dalawa ay community transmitted.
Sa kabila nito, wala namang naitalang covid-19 related death.
Sa ngayon, bahagyang bumaba sa 12 ang mga lugar na may binabantayang kaso habang 17 naman ang zero Covid-19 case.
Ang Tuguegarao City pa rin ang may pinakamaraming aktibong kaso sa bilang na 39.