SK Chairman sa City of Ilagan, Pararangalansa 6th Asia-Pacific Luminare Awards

37
Cauayan City, Isabela- Nakatakdang tumanggap ng parangal mula sa award-giving body na 6th Asia-Pacific Luminare Awards ang isang Sangguniang Kabataan Chairman mula sa Brgy. Alinguigan 2nd sa City of Ilagan, Isabela sa darating na Nobyembre 23, 2022 sa Okada, Manila.

Ito ay makaraang hirangin bilang ‘Most Outstanding SK Chairperson of the Philippines and Youth Advocate of Active Citizenship and Youth Participation in Nation Building’ si Bryan Lucas Burigsay Malenab <www.facebook.com/bryanlucasmalenab.21?__cft__%5b0%5d=AZViN3ffoCt_X4dFpl16Kbr45QzPIC4HMqZevvSq4-3vG494dLt6rWK2gJEFxGU2k7FHMK-q6PQS1eXacPHWt6YWkbr9L3MUh8SMmW8VtPds9RX9kjOTKtpkfiEup-uW8qeHqWWd-qkImB2x…> .

Bago ito, tatanggap ng hiwalay na parangal si Malenab bilang ‘Most Exemplary Young Public Servant and Inspiring Youth Advocate for Competent Governance and Effective Leadership Award’ sa parehong award-giving body na Gintong Parangal.

Isa lamang si Malenab sa mga Kabataang aktibong nangunguna sa kanilang lugar para sa kapakinabangan ng kanyang kapwa.

Una na itong nagpasalamat sa pagkilala sa kanyang mga ambag at iginiit na ipagpapatuloy niya ang kanyang mga nasimulang proyekto para sa mga Kabataan.

Facebook Comments