Manila, Philippines – Huling namataan ang binabantayang Low Pressure Area sa bandang Maddela, Quirino.
Dahil dito asahan ang maulap na kalangitan na may katamtamang hanggang sa malalakas na pag-ulan at mga thunderstorms sa bandang Bicol region at mga probinsiya ng Cagayan, Apayao, Ilocos Norte, Batanes at Babuyan Group of Island.
Mararanasan naman ang maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Magiging maaliwas naman ang panahon sa Visayas at Mindanao pero may posibilidad pa rin ng pag-ulan at pagkidla-pagkulog lalo na sa dakong hapon hanggang gabi,
Paalala naman sa mga mangingiisda, nakataas ang gale warning o mahigpit na ipinagbabawal ang pumalaot sa baybaying dagat ng Batanes, Kalayaan at Babuyan Group of Islands.
Sunrise: 5:46
Sunset: 5:40