Ruffa Mae Quinto, balik-alindog sa kanyang pagbabalik telebisyon

Manila, Philippines – #BalikAlindog at #FitnessGoals.

Ito ang mga hashtag ng actress- comedienne na si Rufa Mae Quinto-Magallanes sa kanyang mga social media post matapos ang halos isang taon din nitong pamamahinga sa telebisyon.

Marami kasing nakapansin na hindi pa nakakabalik ang kanyang dating figure at halata pa rin ang kanyang bilugang katawan.


Kaya naman sa kanyang instagram post, ipinakita nitong suot ang isang slimming corset para mabilis niyang ma-achieve ang kanyang dating sexy figure.

Inamin naman ni Rufa Mae na hindi raw madaling magpapayat lalo na’t noong pinagbubuntis niya ang kanyang baby na si Alexandria ay kain lang daw siya nang kain.

Payo niya sa mga mommies, hindi pa huli ang lahat para sa mga gustong bumalik ang dating figure matapos manganak.

Facebook Comments