Binabantayang low pressure area sa bahagi ng Cagayan, isa nang ganap na bagyo

Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Cagayan at pinangalanan na itong “kabayan”.

Pero ayon sa pagasa, nasa karagatan na ito ng West Philippine Sea (WPS) at ngayong umaga, posibleng lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Huli itong namataan sa layong 335 Kilometers kanluran Hilagang-Kanluran ng Aparri, Cagayan.


Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 Kilometers per hour (Kph) at pabugsong hanggang 70 Kph.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 20 Kph.

Samantala may isa pang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ang Pagasa.

Nasa layo itong 625 Kilometers silangan ng hinatuan, Surigao Del Sur.

Posiblen rin itong maging bagyo sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw na tatawagin namang “Liwayway”.

Nagdadala ngayon ang LPA ng maulap na kalangitan sa Mindanao.

Habang ang Luzon, Ilocos Region, Metro Manila, Mimaropa, Calabarzon, Zambales at Bataan ay makakaranas ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan dulot ng bagyo na pinag-iibayo ng habagat.

Facebook Comments