Desisyon ng Korte na payagang magpiyansa si dating Caraga Mayor Carlwyn Baldo, inalmahan ng pamilya Batocabe

Inalmahan ng pamilya Batocabe ang desisyon ng Legazpi rtc na payagang makapagpiyansa si dating Caraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Si Baldo ang sinasabing utak sa pagpatay kay ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Ayon sa anak ng mambabatas na si Justine Batocabe, hindi nila matatanggap ang desisyon ng Korte.


Aniya, kumpleto naman ang mga ebidensya na magdidiin kay Baldo sa kaso.

Nakakapagtaka rin anila na pinayagang makalabas ng kulungan ang dating alkalde dahil non-bailable ang kasong murder.

Pinag-aaralan na ng pamilya Batocabe ang kanilang susunod na legal na hakbang.

Habang tahimik pa ukol dito ang pamilya Baldo.

Facebook Comments