Binabantayang LPA, posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi

Manila, Philippines – Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa thunderstorm.

Apektado nito ang buong Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Bulacan, Pampanga, Bataan, Tarlac, Zambales at Nueva Ecija.

Habang maganda ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa pero uulanin din pagsapit ng hapon o gabi.


Patuloy namang binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Maaari itong pumasok sa loob ng PAR mamayang gabi o bukas.

Facebook Comments