Binabantayang tropical depression, nasa labas pa din ng Philippine Area of Responsibility

Manila, Philippines – Nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility ang isang tropical depression.

Huli itong namataaan sa layong 1,345 kilometers silangan ng hilagang Visayas.

May taglay itong lakas na hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot 65 kph.


Kumikilos ito west northwest sa bilis na 18 kph.

Inaasahang papasok sa PAR ang sama ng panahon ngayong araw at papangalanan itong dante.

Sa kabila nito, ang buong kapuluan pa rin ay makakaranas ng maaliwalas at mainit na panahon kung saan inaasahan ang mga saglitang thunderstorms sa hapon o gabi.

Agwat ng temperatura sa sumusunod:
Metro Manila: 25-35ᵒc
Metro Cebu: 25-33ᵒc
Metro Davao: 25-34ᵒc

Sunrise: 5:36 ng umaga
Sunset: 6:11 ng gabi

Facebook Comments