Binabantayang tropical depression, nasa labas pa din ng Philippine Area of Responsibility at hindi pa din nakaaapekto sa bansa

Manila, Philippines – Nanatiling nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ang tropical depression.

Huling namataan sa layong 1,275 kilometers silangan ng southern Luzon at wala pa rin itong epekto sa bansa.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kph at pagbugsong aabot sa 65 kph.


Kumikilos ang sama ng panahon west northwest sa bilis na 11 kilometers per hour.

Kapag pumasok ito ng Philippine Area of Responsibility ay tatawagin itong Dante.

Sa kabila nito, makakaranas pa rin ng mainit at maalinsangang panahon ang buong bansa maliban na lamang sa paminsan-minsang thunderstorm lalo na sa hapon on gabi.

Agwat ng temperatura sa sumusunod:
Metro Manila: 26-36°c
Metro Cebu: 24-29°c
Metro Davao: 24-33°c

*Sunrise: 5:36 ng umaga*
*Sunset: 6:12 ng gabi*
DZXL558

Facebook Comments