𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗨𝗜𝗟𝗔𝗥

Patay ang isang bente kwatro anyos na magsasaka matapos itong malunod sa bayan ng Aguilar.

Ang biktima ay kinilalang si Dalmacio Mendoza residente ng bayan ng Malasiqui.

Ayon sa imbestigasyon nagtungo sa Maples River ang biktima kasama ang ilang mga kaibigan upang maligo sa ilog.

Pagkatapos uminom ay nagdesisyon umano itong maligo sa ilog at magtungo sa malalim na bahagi bagamat hindi marunong lumangoy.

Dito na nalunod ang biktima at inabot pa ng ilang sandali bago nakita ang katawan nito.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments