Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Tropical Depression bukas ng umaga o ng hapon.
Ito ay papangalanang Bagyong ‘Rolly’ at inaasahang lalakas pa ito habang binabaybay ang Philippine sea
Huli itong namataan sa layong 1,910 kilometro Silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pabugsong aabot sa 70 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Samantala, Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) ang makaka-apekto sa Mindanao kabilang ang Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, at SOCCSKSARGEN.
Habang makakaranas naman ng maulap at kalat-kalat na pag-ulan ang mga isla ng Leyte at Bohol.
Facebook Comments