Suplay ng baboy mula Visayas at Mindanao, parating na sa Luzon ngayong Linggo

62

Darating na ngayong Linggo ang bagong suplay ng baboy at frozen pork mula Visayas at Mindanao.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar, pupunan ng bagong suplay ang karne ng baboy at artipisyal na pagtaas ng presyo nito sa mga pampublikong pamilihan sa Metro Manila at ibang parte ng Luzon.


Nagmula sa Cebu, Iloilo, Leyte, Davao, General Santos at Cagayan de Oro ang mga buhay na baboy at frozen pork products o ang tinatawag na ‘pork-in-a-box’.

Facebook Comments