BINAGO | TRAIN-2, tatawagin ng ‘TRABAHO Law’

Manila, Philippines – Binago ng House Ways and Means Committee ang tawag sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2 sa gitna na rin ng negatibong tingin rito.

Tatawagin na itong Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities o TRABAHO Law.

Ayon kay Committee Chairman Dakila Cua, layon ng panukala na lumikha magbigay ng trabaho at insentibo sa mga kumpaniyang mag-aalok ng trabaho.


Gayunman, oras na maisabatas ito ay hindi agad matatanggal ang insentibo ng mga nakikinabang ditong kumpaniya.

Sabi ni Cua, ang mga matagal ng nagtatamasa ng insentibo ay bibigyan ng dalawang taon para makapaghanda at mayroon ring pagkakataon na mag-apply muli ng ganitong benipisyo kung sila ay may bagong proyekto.

Aniya, ang mga kumpaniyang mas makakalikha ng trabaho ang papaboran na mabigyan ng ganitong benipisyo.

Papaboran rin ang mga kumpaniyang magtatayo o magpapalawak ng operasyon sa mga kanayunan.

Facebook Comments