Manila, Philippines – Nagbabala si Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu sa ma-‘epal’ na kumpanyang gustong tumulong sa Boracay rehabilitation.
Ito ay matapos ihayag ni Cimatu na may kumpanyang nag-alok sa ahensya na tutulong sa paglilinis at pagpapaganda ng wet lands ng isla para gawing tourist attraction.
Bagamat nagpapasalamat si Cimatu sa hangarin ng pribadong sektor, binalaan nito na huwag maglagay ng kanilang tarpaulin sa lugar na kanilang dine-develop.
Ani cimatu – hindi rin aniya pwedeng ilagay ang pangalan ng kanilang mga kompaniya.
Aniya, kailangang maging sinsero ang mga ito sa pagtulong sa mga taga-Boracay at hindi manghihingi ng anumang kapalit.
Facebook Comments