BINALAAN | DepEd at PNP, nagbabala sa mga pagbebenta ng DepEd issued laptops

Manila, Philippines – Kasunod ng entrapment operation na isinagawa ng mga otoridad sa mga iligal na nagbibenta ng DepEd issued laptops, nagbabala ngayon si Education Secretary Leonor Briones sa mga nagnanakaw at nagbibenta ng mga gamit na in-issue ng DepEd na pananagutin nila ang mga ito sa batas.

Ang pahayag na ito ng kalihim ay matapos ang matagumpay na operasyong isinagawa sa isang mall sa Novaliches noong nakaraang linggo, kung saan positibong nakabili ang mga otoridad ng mga lehitimong laptop ng DepEd.

Ang mga laptop na ito ay ninakaw mula sa mga paaralan o mula sa bahay ng mga guro.


Ayon kay Sec Briones, ang mga laptop, computers at iba pang gamit na inilalabas ng DepEd ay nakalaan sa ikatututo ng mga magaaral at walang puwang ang personal na interest.

Dahil dito, sasampahan ng kaukulang kaso ang mga naaresto sa operasyon, at mga maaaresto pa. (Anti-Fencing Law)

Kaugnay nito, nakipagugnayan na ang DepEd sa DILG upang humingi ng tulong sa mga komunidad na tiyakin ang seguridad ng mga computer packages na inilaan para sa mga magaaral.

Facebook Comments