DRAMA LANG? | Paniniktik umano sa bahay ni Senador Trillanes, drama lang ng senador – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Drama lang para sa Palasyo ng MalacaƱang ang sinasabi ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroong nagmamanman sa kanyang bahay.

Matatandaan na sinabi ni Trillanes na mayroong kahina-hinalang sasakyan na umiikot sa kanilang bahay at hindi pa ito nagiwan ng identification sa security guard sa kanilang subdivision.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, malinaw naman kasi na ipinaubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Regional Trial Court at maging sa Korte Suprema ang usapin sa legalidad ng pagpapawalang bisa sa amnesty kay Trillanes.


Matatandaan na binigyang diin na rin ng MalacaƱang na batay sa kautusan ni Pangulong Duterte ay hindi aarestuhin si Trillanes hanggang hindi naglalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya.

Facebook Comments