BINALAAN | Kasong libel, posibleng isampa laban sa sinomang magkakalat ng maling balita laban kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Binalaan ng Palasyo ng MalacaƱang ang mga tao na nagkakalat ng mga maling balita hinggil sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, posibleng maharap sa kasong libel ang sinomang magpapakalat ng maling impormasyon lalo na laban sa pinakamataas na opisyal ng Pamahalaan.

Ito ang sinabi ng MalacaƱang sa harap narin ng pagpapakalat ng maling balita ni CPP Founding chairman Joma Sison ng balita nan a coma si Pangulong Duterte noong nakaraang weekend.


Matatandaan na kagabi ay pinatunayan ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na nasa maayos na kalagayan si Pangulong Duterte at maayos din ang kalusugan nito sa pamamagitan ng pagpapakita dito sa Social Media.

Facebook Comments