BINALAAN | Senators Poe at Lacson, may babala sa mga magbabalak na iluklok si CGMA bilang Prime Minister

Manila, Philippines – Nagbigay ng babala sina Senators Grace Poe at Panfilo Ping Lacson laban sa posibleng balak na mailuklok si House Speaker Gloria Arroyo bilang punong ministro sa itatatag na Pederalismo.

Giit ni Poe sa publiko, maging alerto dahil baka magising na lang tayo na pantay o kaya ay higit na ang kapangyarihan ni Arroyo kaysa kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi naman ni Senator Lacson, dapat magdalawang isip ang sinuman na magbahalak na ihalal si Arroyo bilang prime minister.


Ayon kay Lacson, lalong lumakas ngayon ang kanilang pagkaka isa na ipaglaban ang papel ng senado sa planong pag-amyenda sa saligang batas.

Para kay Lacson, ang nangyaring agawan sa liderato ng Kamara ay mabigat na argumento laban sa isinusulong na parliamentary Form of government kung saan higit na nangngibabaw ang pulitika sa pagpili sa mamumuno sa bansa.

Nauna ng inilarawan ni Lacson bilang awkward, ugly, low and disgraceful,” ang nangyaring mga eksena ng pagpapatalsik kahapon kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Facebook Comments