IGINIIT | Patuloy na pag-iral ng TRAIN law, pinapipigil sa SC ng Minority Congressmen

77

Manila, Philippines – Muling iginiit ng Makabayan bloc sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa pag-iral ng kontrobersyal na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ang reply ay inihain sa Korte Suprema ng Makabayan bloc bilang tugon sa komento ng Office of the Solicitor General (OSG) sa constitutionality ng TRAIN Law.

Naniniwala rin ang mga petitioner na maituturing na “regressive tax” ang TRAIN Law.

Sa ilalim ng regressive tax, bumababa ang ipinapataw na buwis sa mga produkto at serbisyo na mas mataas ang halaga.

Facebook Comments