Binalewala – Plea ni Rep. LRay Villafuerte sa Sandiganbayan kaugnay ng Graft Case
Binalewala ng Sandiganbayan Special 6th Division ang motion for leave of court to file demurrer to evidence ni Camarines Sur 2nd District Rep. Lray Villafuerte.
Ayon sa korte, kahit denied ang motion ni Villafuerte, maari pa rin itong mag file ng demurrer to evidence, subalit kapag ito ay muling madi-deny, mawawalan na siya ng karapatang makapag-presenta ng kanyang ebidensiya at pagpapasyahan na ng korte ang kaso laban sa kanya.
Si Villafuerte ay nahaharap sa tatlong kaso ng graft bilang governor ng Camarines Sur dahil sa pagbili ng gasolinang nagkakahalaga ng 20 million pesos ng walang bidding.
Denied din ang motion for reconsideration na inihain ni Mr. Jeffrey Lo na siyang may-ari ng gfasolinahan na kasama rin sa kinasuhan
Kaugnay nito, binibigyan ng limang araw mula sa pagtanggap ng resolution ang mga akusado para makapag-file ng kani-kanilang manifestations na ipagbigay alam sa korte kung gusto nilang mag-file ng demurrer to evidence without leave of court, sabi pa ng korte sa ipinalabas nitong desisyon noong September 25, 2018.
Ang desisyon ng Sandiganbayan ay isinulat ni division Chairperson Sarah Jane Fernandez na sinang-ayunan naman nina Associate Justices Karl Miranda, Reynaldo Cruz at Bayani Jacinto.
Sinabi ng majority justices na ang argumentong inihain ni Villafuerte at Lo ay hindi sapat upang baliktarin ng korte ang ruling nito hinggil sa kaso na nag-ugat sa complaint ni dating Board Member Carlo Batalla.
Binalewala – Plea ni Rep. LRay Villafuerte sa Sandiganbayan Kaugnay ng Graft Case
Facebook Comments