Binaliktad ng Supreme Court ang pagbasura ng sandiganbayan ng graft case laban kay Senator Lito Lapid, at tatlong iba pa

 

 

Kaugnay ito ng 728-million pesos fertilizer fund scam sa ilalim ng Ginintuang Masaganang Ani o GMA program ng Dept of Agriculture sa Pampanga.

 

Unang binasura ng Sandiganbayan ang kaso ng Ombudsman laban sa grupo ni Lapid dahil daw sa kabiguan ng Ombudsman na ma-justify ang delay sa preliminary investigation laban kina Lapid.

 

Taong 2006 kasi sinimulan ng Ombudsman ang fact-finding investigation pero 2011 nang i-file ang complaint at 2015 nang tuluyang isampa ang kaso.


 

Sa desisyon ng Supreme Court, inatasan din nito ang sandiganbayan na iresolba ang nasabing kaso.

 

Bukod kay Lapid, kabilang din sa respondents sa kaso sina Maria Victoria Aquino-Abubakar, Leolita Aquino at Dexter Alexander Vasquez.

Facebook Comments