Proposed 2020 budget, inaasahang lulusot sa Bicam at mararatipikahan sasusunod na linggo

82

Ayon kay Finance Committee Chairmam Senator Sonny Angara, sa lunes December 9 ay magpapatuloy ang Bicameral Conference Committee o Bicam para sa panukalang 2020 national budget.

 

Sabi ni Angara, sisikapin nilang maplantsa na agad ang ilang isyu o mga pagkakaiba sa naipasang bersyon ng budget ng Senado at Kamara.


 

Umaasa naman si Senate President Tito Sotto III na sa susunod na linggo ay maaprubahan na sa Bicam ang 2020 budget at mararatipikahan na ng dalawang kapulungan.

 

Sa tingin ni Sotto ay walang masyadong isyu sa Bicam ngayon kumpara noong nakaraang taon na nagresulta ng pagkabalam sa pagpapatibay ng 2019 budget.

 

Bukod kay Angara, ay kabilang din sa contingent ng Senado sa Bicam sina Senators Cynthia Villar, Panfilo Lacson, Pia Cayetano, Sherwin Gatchalian, Bong Go, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Imee Marcos, Joel Villanueva, Nancy Binay, Grace Poe, Kiko Pangilinan, Ralph Recto at Franklin Drilon.

Facebook Comments

From Advertisers