BINALEWALA ANG PAGKAKATAON: BINATA TIKLO SA DRUG BUYBUST OPERATION

Cauayan City, Isabela – Minsan nang nabigyan ng pag kakataon para magbagong buhay pero sinayang. Ito ang nagyari sa isang 19 gulang na nauna nang sumuko sa kapulisan dahil sa kasong may kinalaman sa droga.

Si Marvin Valdez, ng District 1, Cauayan City ay arestdo sa isang drug buybust operation kaninang hapon, April 27, 2020 sa naturang barangay. Ayon sa PNP Cauayan, pasado alas singko ng hapon nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concern citizen may kaugnayan sa gawain ng suspek. Dahil dito, agad na nagkasa ng operasyon ang kapulisan sa pamumuno ni p/capt Cachero. Nag panggap ang isa sa kanilang asset bilang poseur buyer.

Nakumpiska sa pag iingat ng suspek ang isang lighter, smart phone, 500 peso bill na ginamit bilang mark money at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu. Ang mga ito ay naka imbentaryo at nasa kustodiya na ng PNP Cauayan. Gagamitin ang mga ito bilang ebidensiya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 na isasampa sa pamamagitan ng inquest proceedings.


Facebook Comments