Chinese national, arestado sa Parañaque matapos makuhaan ng 200 na kahon ng Chinese medicine

Hinuli ng PNP Parañaque ang isang Chinese National matapos na makuhaan ng mga kahon-kahong Chinese medicine na walang permit mula sa health department sa Brgy. Baclaran, Parañaque City.

Kinilala ang babaeng Chinese na si Liang Yumei, caretaker ng mga gamot.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office, isinumbong ang Chinese ng kanyang mismong kasambahay sa mga barangay officials matapos itong tanggalin sa kanyang trabaho.


Agad na tumungo sa inaarkilahang bahay ng Chinese ang mga barangay officials at nakita ang iba’t-ibang kahon na may lamang mga gamot.

Facebook Comments