BINANATAN | Mga substandard na pahabay ng NHA, pinuna

Pinuna ni Ormoc City, Leyte Mayor Richard Gomez ang National Housing Authority (NHA) Region 8 dahil sa substandard na itinatayong mga pabahay para sa mga biktima ng lindol noong July 2017.

Ayon kay Gomez, mababang kalidad ang mga ginamit na materyales para sa pabahay.

Aniya, pati ang semento sa flooring ng mga bahay ay malambot at halatang tinipid.


Halata aniyang hindi ginamitan ng purong buhangin at hinaluan ng lupa ang flooring at kung maglalagay anya ng buto sa sahig tiyak ay tutubo ito dahil may lupa.

Maliban rito, napuna rin ng alkalde ang hindi maayos na pagkakasalansan ng mga hollow blocks sa pabahay.

Giit ni Gomez, ibigay naman sana ang kung ano ang nararapat sa mga taong titira sa pabahay.

Pero giit ng NHA Region 8, hindi substandard ang mga itinatayo nilang mga pabahay.

Pumasa rin anila ito sa parameters at hindi rin load bearing ang mga pader kaya hindi kailangan ng biga o poste.

Wala rin raw problema sa stocking o pagkakasalansan ng mga hollow blocks at wala rin itong pinagkaiba sa running o salitang pagkakasalansan.

Sa katunayan anila ay mas matipid pa ang stocking o pagkakasalansan ng mga hollow blocks dahil diretso ang bakal hanggang sa beam at mabubuhusan ng semento.

Facebook Comments