Manila, Philippines – Nakatikim ng banat mula kay Pangulong Rodrigo Duterte si Liberal Party President at Senator Francisco “Kiko” Pangilinan.
Ito ay dahil sa republic act 9344 o juvenile justice and welfare act of 2006 na akda ng senador.
Sa kanyang talumpati sa palawan kagabi, sinabi ng pangulo na si Pangilinan na ang “pinakabobo” sa lahat ng mga abogado dahil sa tila pangungunsinti nito sa mga menor de edad na gumawa ng krimen.
Sa ilalim kasi ng batas, binibigyan ng exemption sa criminal liability ang mga menor de edad o 15 taon gulang pababa.
Giit ng Pangulo, hindi tuloy mapanagot ang mga batang nakagagawa ng krimen sa batas ni Pangilinan.
Buwelta naman ng Senador, sa halip na insultuhin ang mga kritiko, mag-focus na lang si Pangulong Duterte sa pagresolba ng mga problema ng bansa gaya ng pagpapababa sa presyo ng mga bilihin.