BINANGUNGOT | Isang security guard, natagpuan patay sa loob ng eskwelahan sa Aklan

Kalibo, Aklan – Patay na nang matagpuan ng kaniyang mga katrabaho ang isang security guard habang nasa loob ng pribadong eskwelahan sa Aklan.

Nakilala ang nasawing security guard na si Albert Agoy, residente ng Barangay Nalook, Kalibo, Aklan.

Sa ulat, ginigising si Agoy ng kanyang ka-relyebo sa duty pero parang hindi na siya humihinga.


Wala naman palatandaan na anumang sugat sa katawan si Agoy kaya hinala ng mga awtoridad na binangungot ito.

Facebook Comments