Manila, Philippines – Lantarang binalaan DILG Under Secretary Martin Dino ang lahat ng mga Local Officials kabipang na ang mga mambabatas sa buong bansa na huwag makialam sa SK at Barangay Election.
Ginawa ni Dino ang babala matapos siyang ulanin ng maraming reklamo ng pakikialam ng mga Local Executives kabilang na dito ang sumbong laban kay Deputy House Speaker Congressman Raneo Abu ng Batangas ng Second Congressional District.
Sinabi ni Dino na paiimbestigahan niya ang kanyang mga tinanggap na reklamo una rito ang reklamo ng mga residente ng San Pascual Batangas hinggil sa pagpapakalat umano ni Congressman Abu ng liham-pangangampanya sa mga iskolar nito na nag-eendorso sa kanyang mga kandidato na may petsang Mayo 4-partikular sa Bayan ng San Pascual, Batangas, gamit ang Official Seal House Deputy Speaker at may lagda ng kongresista.
Sa kanyang babala, binanggit ni Dino na mahigpit na ipinagbabawal ng Batas Pambansa 881- Omnibus Election sa ilalim ng Section 38 ang pakikialam ng anumang Political Party, Political Group,mismong Incumbent Official sa SK at Barangay Election.
Maaari aniyang makulong ng isang taon hanggang anim na buwan ng walang Probation ang mapatunayang nagkasala sa Probisyong ito, bukod sa puwedeng ma-diskuwalipika na humawak ng ano mang Public Office at Right to Suffrage o maka-kandidato sa ano mang posisyon sa gobyerno.