KALABOSO | Babaeng hinihinalaang pusher, arestado sa Marikina City.

22

Marikina – Bumagsak sa kamay ng Marikina Police Station Drug Enforcement Unit ang isang babaeng hinihinalaang tulak sa ilegal na droga matapos na magsagawa ng
buybust operation Brgy. Barangka Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Chaibeth Triñares residente ng #34-D Joseph Street., Brgy. Barangka, Marikina City.

Nakumpiska ng mga operatiba ng Marikina City Police Station Station Drug Enforcement Unit sa suspek matapos na magsagawa ng buybust operation ng 6 sachets na naglalamang suspected shabu, at 500 pisong buybust money na ginamit ng mga pulis na nagpanggap na bibili ng shabu kay Chaibeth.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng Marikina Police laban sa suspek.

Facebook Comments