BINARA | LTFRB, sinopla ang mga gigil na pagbitiwin sa puwesto si Chairman Martin Delgra

Manila, Philippines – Walang nakikiyang dahilan si LTFRB Executive Director Samuel Jardin para magbitiw sa pwesto si LTFRB Chairman Martin Delgra.

Aniya, maayos at naayon naman sa batas na ginagampanan ni Delgra ang kanyang trabaho partikular sa pag-arangkada ng transport modernization program na isinusulong ng Duterte Administration.

Ito ang sagot ng regulatory agency kasunod ng hamon ng grupong ACTO o Alliance of Concerned Transport Organization na magbitiw na lang si Chairman Delgra sa puwesto dahil sa hindi umano ito patas sa pagtugon sa hinaing ng iba’t-ibang transport organization.


Sa isang pulong-balitaan sa tanggapan ng LTFRB sinabi ni Jardin, na walang dahilan para mag-resign ang isang opisyal na ang tanging layunin ay isaaayos ang transport system sa bansa.

Sabi ni Atty. Jardin, walang nakasaad sa inaalmahang memorandum circular 2018-008 na isang taon na lang ang itatagal sa kalsada ng mga lumang jeep gaya ng sinasabi ni ACTO President Efren de Luna na sumugod sa harap ng LTFRB kaninang umaga.

Alinsunod aniya sa transport modernization program, tatlong taong palugit ang ibinibigay sa mga lumang PUJ o hanggang 2019 para baguhin ang kakarag-karag na units.

Facebook Comments