Binaril na dating Konsehal sa Cordon, Isabela, Nakatakdang Kumandidato para sa Halalan 2019!

80

*Cordon, Isabela- *Kinumpirma ng misis ng binaril na dating konsehal ng Cordon, Isabela na si Jose Bugbog na ito ay nakatakdang mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa halalan 2019 para sa posisyong Sangguniang Bayan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Christopher Danao, ang hepe ng PNP Cordon, Isabela na balak na umano ng biktima na kumandidato para sa susunod na halalan.

Ayon kay PSI Danao, nakadalawang termino na umano sa pagka-konsehal si Jose Bugbog sa bayan ng Cordon, Isabela.

Matatandaan na binaril ng hindi pa nakikilalang suspek si Bugbog kahapon ng habang minamaneho nito ang kanyang Isuzu Hilander na sasakyan sa brgy Turod Norte, Cordon, Isabela.

Habang ang suspek naman ay lulan umano ng isang kulay green na walang plakang SUV na agad umalis patungong Santiago City matapos ang pamamaril sa dating konsehal.

Ayon pa sa hepe ay isa na umano ito sa kanilang tinitignang anggulo sa motibo ng pagpatay kay Jose Bugbog.

Facebook Comments