Pulitika at Personal, Tinitignang Anggulo sa Motibo ng Pamamaril sa dating Councilor ng Cordon, Isabela!

35

*Cordon, Isabela- *Pulitika at Personal ang tinitignang anggulo ng PNP Cordon sa motibo ng pagpatay kay Jose Bugbog ng brgy Wigan, Cordon, Isabela na dating konsehal ng bayan ng Cordon, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Christopher Danao, mayroon umano silang natanggap na impormasyon na kanila pang iimbistigahan na umano’y nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang biktima bago pa mangyari ang pamamaril.

Kaugnay nito ay hinihintay pa lamang ng PNP ang resulta ng autopsy ng biktima upang matukoy ang uri ng ginamit sa pamamaslang dahil wala pa umanong narekober ang kapulisan na anumang basyo ng bala ng ginamit ng mga suspek.

Sa ngayon ay patuloy pa ang pangangalap ng impormasyon at ebidensya ang PNP Cordon hinggil sa nangyaring pamamaril at para sa agarang pagka aresto ng mga salarin.

Facebook Comments