BINARIL SA MUKHA | Pagpatay sa isang engineer ng Globe, iniimbestigahan

Bulacan City – Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang nangyaring pagpatay sa isang engineer ng Globe Telcom sa mismong cell site ng kumpaniya sa Barangay Patubig, Marilao, Bulacan.

Sa ulat, binaril sa mukha ang biktima na nakilalang si Fredolfton Colomo habang tumutulong itong magtayo ng cell site sa nasabing barangay.

Sa bilis ng pangyayari, hindi na nahabol pa ng ibang kasamahan nito ang mga suspek na riding in tandem.


Blanko pa din ang awtoridad sa motibo ng pagpatay kung saan mabati at wala naman nakakaway ang biktima base sa kwento ng pamilya nito.

Facebook Comments