BINASURA | Ethics complaint laban kina Senators Trillanes, Lacson at De Lima, ibinasura ng Senado

Manila, Philippines – Ibinasura ngayon ng Senate Ethics Committee na pinamumunuan ni Senate Majority Leader Tito Sotto III ang mga ethics complaint laban kina Senators Antonio Trillanes IV, Panfilo Ping Lacson at Leila De Lima.

Ang ethics complaint laban kina Trillanes at Lacson ay inihain ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Katwiran ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na siyang nagsulong ng pagbasura sa reklamo, hindi rin naman malinis ang kamay ni Faeldon dahil marami din itong malisyong pahayag laban sa mga Senador.


Ang Ethics Complaint naman laban kay Senator De Lima, ay isinampa ng liderato ng Kamara dahil sa naging payo nito noon sa dating bodyguard na Ronnie Dayan na huwag dumalo sa pagdinig ng Mababang Kapulungan.

Katwiran ng komite, wala sa hurisdiksyon ng Senado ang reklamo at walang nilabag na senate rules si De Lima.

Facebook Comments