Cauayan City, Isabela- Inaresto ng otoridad ang isang lalaki matapos makuhanan ng iligal na baril sa inilatag na ASF Checkpoint sa Brgy. Punit, Benito Soliven, Isabela.
Kinilala ang suspek na si Jeremy Obra, 22 taong gulang, binata at residente ng Brgy. San Rafael, Roxas, Isabela.
Pasado alas 6:00 kaninang umaga nang mahuli si Obra matapos mapansin ng nagbabantay sa checkpoint na hinihila nito ang kanyang motorsiklo.
Nang lapitan ng pulis si Obra at hiningan ng mga kaukulang dokumento ng motorsiklo at pagmamaneho ay bigong makapagpresinta ang suspek.
Nadiskubre rin ng otoridad na mayroon palang dala ang suspek na Caliber 45 pistol na baril na may kasamang 5 bala.
Agad na hinuli ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya maging ang mga nakumpiskang baril at motorsiklo para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.