Binata, arestado matapos nakawin ang perang nakatago sa underwear na suot ng kanyang lola

Arestado ang isang 19-anyos na lalaki mula Memphis, USA, nang nakawin nito ang 10-dolyar na nakatago sa underwear na kasalukuyang suot ng kanyang lola.

Sa isang affidavit post, sinabi ng biktima na suot-suot niya ang panty nang sapilitang kunin ng kanyang apong si Jared Otte ang perang nakatago rito.

Ayon sa imbestigasyon, tumawag raw ang lola ni Otte sa Shelby County Sheriff’s Office upang ireport ang ginawa ng apo.


Nasa bahay raw siya ng mga oras na iyon nang pumunta ang kanyang apo para manghingi ng pera.

Nang hindi niya umano ito bigyan, agad raw siya nitong tinulak, itinaas ang kanyang damit at kinuha ang nakatagong 10-dolyar sa suot niyang underwear.

Nagdulot raw ng ilang sugat sa kanyang braso at binti ang insidente.

Humaharap sa kasong robbery si Otte at kasalukuyang nakakulong na may 10,000 dollar bond at nakaplanong humarap sa korte sa darating na Martes.

Hindi naman malinaw kung paano nalaman ni Otte ang nakatabing pera sa underwear ng kanyang lola.

Facebook Comments