Friday, March 29, 2024

Pasaherong pauwi na sana, nadulas at nagulungan ng sasakyang bus

Courtesy MMDA

Nadulas at nagulungan ang isang lalaking pasahero makaraang habulin ang sasakyan bus sa northbound lane ng EDSA-Guadalupe noong Biyernes ng hapon.

Batay sa pagsisiyasat ng Metro Manila Development Authority, nasa unauthorized zone ang nasawing binata.

Natumba umano siya dahil hindi nakasampa sa estribo ng bus at tuloy-tuloy rin ang pag-andar ng pampublikong sasakyan.

Malaking pasa at sugat ang tinamo ng biktimang pauwi na sana.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan pero binawian din ng buhay kinalaunan.

Nagdulot naman ng matinding trapiko ang pag-iwan ng driver sa minamanehong bus sa EDSA.

Sa ngayon, tinutugis pa rin ng awtoridad ang tsuper ng Armi Josh Transport Bus at posibleng maharap sa mabigat na kaso.

Wala pang inilalabas na pahayag ang kaanak ng naulilang pasahero at pamunuan ng nasabing bus company.

Facebook Comments