Binata, Arestado sa Bisa ng Warrant of Arrest sa Alicia, Isabela!

*Alicia, Isabela*- Inaresto ang isang binata ng mga otoridad sa bisa ng Mandamiento de aresto sa Brgy. Calaocan, Alicia, Isabela pasado 8:00 kagabi, June 8, 2019

Kinilala ang akusado na si Jefferson Mabutol, 21 anyos, walang asawa at residente sa nasabing lugar.

Ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Br. 17 Ilagan City ang Warrant of Arrest sa akusado para sa kasong R.A 9125 o National Integrated Protected Areas System Act 1992 na nagresulta naman sa pagkakahuli ni Mabutol.


Inirekomenda ng hukuman ang pansamantalang kalayaan ng akusado kung makakapaglagak ito ng P36,000.00.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Alicia Police Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments