Merchandiser, Huli sa kasong Violence Against Women and Children sa Quezon, Isabela!

59

*Quezon, Isabela*- Dinakip ng mga otoridad ang isang Merchandiser sa bisa ng Mandamiento de Aresto sa Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela kaninang umaga

Kinilala ang akusado na si Gadfrey Sudaria, 31 anyos, may asawa at tubong Malolos, Bulacan.


Inaresto ang akusado ng Quezon Police Station matapos ipalabas ni hukom Maria Zenaida Bernadette Mendiola ng RTC Br. 80 Malolos City, Bulacan ang Warrant of Arrest para sa kasong RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na nagresulta sa pagkakahuli ng akusado.

Inirekomenda naman ng hukuman ang pansamantalang kalayaan ng akusado kung makakapaglagak ito ng piyansa sa halagang P24,000.00

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang disposisyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments