Binata, Arestado sa Kasong Panggagahasa!

116

Cauayan City, Isabela- Hindi na nakapalag sa mga otoridad ang isang binata na wanted sa batas matapos itong maaresto sa Lungsod ng Cauayan.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, kinilala ang nadakip na si Angelo Fuggaban, 25 anyos, binata, residente ng Christine Village, District 1, Cauayan City, Isabela.


Ayon sa PNP Cauayan, matagal na nilang minamanmanan si Fuggaban at nang malaman ang kinaroroonan nito ay agad nilang isinilbi ang warrant of arrest nito na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City sa Bana Uy St., District 1 ng nasabing Lungsod.

Si Fuggaban ay nahaharap sa kasong Statutory rape at walang inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa himpilan ng pulisya ang akusado at siya’y nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments