Desisyon ng Maynilad at Manila Water na hindi pag-singil sa gobyerno ng bilyong piso, positibong development ayon sa DOJ

233

Welcome development sa DOJ ang naging desisyion ng Manila Water at Maynilad na hindi na nito sisingilin sa Pamahalaang ang kabuuang P10.8 billion na kabayaran na ipinaguutos ng korte sa Singapore.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, bagamat nauna na ring sinabi ng Pangulong Duterte na hindi magbabayad ang pamahlaaan, isa itong positibong development.


Sinabi ng Kalihim na dahil sa desiyon ng naturang mga water concessionaires, mawawala na ang tinatawag na potential liability mula sa books of account ng gobyerno.

Tiniyak din ng kalihim na matatanggal ang mga onerous provisions sa mga kontratang pinasok ng water concessionaires sa pamahalaan para hindi na rin maulit sa hinaharap.

Facebook Comments