Binata Arestado sa Kasong Rape!

151

Alicia, Isabela – Arestado ang isang binata na may kinakaharap na kasong panggagahasa matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dakong alas onse kaninang umaga sa Brgy. Castillo, Echague, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Ricardo Caluag, 20 anyos, tubong Pinalagdan, Paombong, Bulacan na nakatira ngayon sa Brgy. Castillo, Echague, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng mga kasapi ng PNP Alicia katuwang ang PNP Echague ang suspek matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si Hukom Olivia V. Escubio – Samar ng RTC Branch 79 Malolos City, Bulacan dahil sa kasong Rape.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Ricardo Caluag.

Nasa himpilan na ng PNP Alicia ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments