Warrant of arrest laban kay Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo, inaabangan na ng PNP

Albay – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang agad na pag-aresto kay Daraga, Albay Mayor Cralwyn Baldo.

Ito ay oras na mailabas ang arrest warrant laban sa Alkalde na itinuturong utak sa pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at kanyang police escort na si SPO2 Orlando Diaz.

Ito ay kasunod na rin ng pagsasampa ng kasong double murder at six counts ng multiple frustrated murder kay Baldo at anim na tauhan nito sa Albay Provincial Prosecutor’s Office noong nakaraang linggo.


Una nang dinakip ng pnp ang anim na suspek na kinabibilangan nina Rolando Arimando na dating miyembro ng NPA; Cafgu members na sina Danilo Muella at Emmanuel Rosello; Jaywin Bador na nagsilbing lookout at driver ng motorsiklong ginamit sa pagtakas ng gunman.

Sumuko na rin sa mga otoridad sina Christoper Naval na dating miyembro ng Philippine Army at si Henry Uson, ang main gunman sa krimen.

Facebook Comments