Binata, Arestado sa Kasong Violence Against Women and Children

32

*Cauayan City, Isabela*- Dinakip ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa kasong RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” sa Brgy. Calaccab, Angadanan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Mark Cley Balais, 23 anyos, binata at residente sa nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Angadanan, inaresto ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto nito na ipinalabas ni kagalng galang hukom Reymundo Aumentado ng Br.20 Cauayan City para sa nabanggit na kaso.

Inirekomenda naman ng korte ang pansmaantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa ng nagkakahalagang P72,000.00.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Photo Courtesy: myarklamiss.com

Facebook Comments