OFW, Huli sa Kasong may Kaugnayan sa Iligal na Droga

69

*Cauayan City, Isabela*-Arestado ang isang OFW matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. San Roque, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Karl Allen Millan, 27 anyos, binate at residente sa nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng Pulisya, dinakip ng pinagsanib na pwersa ng PNP Cauayan City at PNP San Mateo ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalng galang hukom Raul Babaran ng RTC Br.19 Cauayan City para sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Posibleng hindi na makalaya ang binate dahil walang inirekoemndang piyansa ang korte para sa kalayaan nito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ang OFW para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments