Binata, Arestado sa Pagtutulak ng Marijuana!

103

Ilagan City- Timbog sa buy bust operation ang isang lalaki matapos mahuli
sa aktong pagbebenta ng Marijuana sa Brgy. Baligatan, City of Ilagan.

Kinilala ang suspek na si Jopet Manguilin, 21 anyos at residente ng Brgy.
Bliss Village, City of Ilagan.


Batay sa report na natanggap ng RMN Cauayan News Team, isang agent umano
ang nagpanggap bilang poseur buyer at aktong nag-aabutan ang dalawa ng
madakip ng pinagsanib pwersang PNP Ilagan at PDEA ang suspek.

Samantala, narekober mula sa pag-iingat ni Manguilin ang isang brick ng
hinihinalang marijuana, isang piraso ng isang libong piso at apat na
pirasong boodle money (buy bust money).

Agad namang dinala sa Isabela Crime laboratory at Gov. Faustino N Dy Sr.
Memorial Hospital ang suspek para sumailalim sa pagsusuri dala ang mga
nakumpiskang ebidensya.

Nahaharap ngayon si Manguilin sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive
Dangerous Drugs Act.




Facebook Comments