Tatlong Matanda, Nahuli sa Paglalaro ng Tong Hits!

87

Gamu, Isabela – Kasalukuyang naglalaro ng tong hits ang tatlong matanda
nang mahuli ng kapulisan sa Purok 1 Barangay Guibang, Gamu, Isabela sa oras
na 5:40 ng hapon, March 14,2018.

Sa impormasyong ibinahagi sa RMN Cauayan ni Chief PSupt Chavalier R.
Iringan ng Regional Public Information Office, kinilala ang mga nagsagawa
ng ilegal na sugal na sina Ronie Tacat Alcantara, 51 anyos, may asawa,
isang magsasaka ; Paterno Guillermo Malacas, 74 anyos, may asawa; at Riza
Julaton Salayog, 55 anyos, may asawa, isang rosary vendor na pawang mga
residente sa naturang lugar.

Batay sa ulat, itinawag ng isang concern citizen sa himpilan ng pulisya ang
paglalaro ng tatlong matanda sa mismong bahay ni Alcantara at kaagad
namang nagresponde ang PNP Gamu kung saan nahuli ang mga gamblers at
nakuha sa kanila ang anim na box ng playing cards at pera na Php1,574.00.

Dahil dito dinala ang tatlo sa Gamu Police Station para sa imbestigasyon at
inihahanda na ang kasong paglabag sa PD 1602.

Facebook Comments