Binata, Arestado sa Tangkang Pangangarnap!

44

*San Pablo, Isabela- *Timbog ang isang binata matapos maaktuhang nagnanakaw ng motorsiklo partikular sa likod ng palengke ng Brgy Calamagui, San Pablo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Kevin Avecilla, 25 anyos, walang trabaho at resisdente ng Capellan, City of Ilagan, Isabela habang ang biktima at may-ari ng Mio ay si Jay-Ar Angobung, 39 anyos, may-asawa, empleyado ng LGU at residente ng San Pedro, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, naaktuhang itinutulak ni Avecilla ang motorsiklo ng biktima sa likod ng pamilihan na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Habang isinasasilalim sa body search ang suspek ay nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Dinala na sa Tumauini Police Station ang suspek maging ang mga ebidensyang narekober para sa kaukulang dokumentasyon at inihahanda na ng PNP ang kasong paglabag sa RA 6539 o Anti Carnapping Act of 1972 at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspek.

Facebook Comments